Si Nanay... 57 na siya nung Nov 14... well, technically nung Nov 10 pa ang birthday niya... I learned of this information after 29 years of existince. All the while, akala ko Nov 14 ang birthday niya, yun pala nag move lang sila ng celebration ni Tatay dahil alangin sa sweldo ang 10.. di sila makakapag-celebrate.. dahil wala'ng panghanda... wala daw mailuluto'ng pansit para pagsaluhan... ganon ka simple ang dahilan... kaya nagtatawanan kami'ng lahat habang kinu-kwento niya sa amin ang ginawa nila ni Tatay ko.
Nanay now lives with me.. widow of my Tatay only this year... he was 57 then. I don't want to talk about him yet... di pa me ready! But definitely I will write something about my father... for my father... so everyone would know how great he is... not was... for he still lives in my heart.
Going back to Nanay... nung maliit pa kami ng Kuya.. lagi ko'ng sinasabi sa kanya na... "Eh, mas mahal mo naman si Kuya sa akin", tapos magtatampo na ako ng konti. Pero di ko masyado'ng ininda yon nung maliit pa ako, kasi malay ko ba naman maisip ang mga ganon dati... basta laro lang ng laro sa gilid ng ilog sa may Baclaran (una naming tinirhan.. sa Sitio Maligaya). Inevitably, lumalaki na kami, unti unti ko'ng nakikita yung "parang mas lab talaga ni Nanay si Kuya"... yung para'ng she takes extra care of him than me. When I listen to her stories sa mga amiga niya na pumupunta sa bahay she would boast.. "Ay naku, yang anak ko'ng lalaki.. hindi yan papayag na mala-late siya sa klase, lagi nga'ng siya ang nagbubukas ng school eh(baka gusto mag-sekyu..hehehe), tsaka napaka-sipag gumawa ng assignment at palagi nagre-review kapag may exam" (yan ang bida niya para sa Kuya).... e di ako, patiently waiting for her compliments naman para sa akin... tapos eto na ... sasabihin ni Nanay... "Ah si Melissa, di siya masyado'ng pala-aral, ni di ko nga nakikita yan magbukas ng libro niya eh.. pero mataas din naman ang nakukuha sa klase"... Huh? (isip-isip ko).. yun lang?... tapos nakakalito pa kung compliment ba yon o ano?...
Maraming instances sa paglaki namin na napatunayan ko sa sarili ko na mas mahal pala niya talaga ang Kuya ko. Yung pag-uwi niyo galing sa school.. ipaghahain si Kuya at ako hindi kasi kailangan ko daw matutunan yon dahil pag nag-asawa na ako.. ako ang maghahain para sa pamilya ko.. naisip ko.."Nyay, nay naman...ka-torse anyos pa lang ako.. kung gagawin ko man iyon pag-nagasawa ko.. saka na iyon.. ikaw ang kailangan ko ngayon. Tapos there was an instance pa na na-overhear ko sila ng tatay ko na nagtatalo.. sabi ni Tatay "Kaya nagkaka-ganyan ang anak mo eh, kita'ng kita naman na mas pina-paboran mo yung isa"... tapos sasagot si Nanay.. "Sus, ikaw kampi ka naman sa ka-dramahan ng anak mo".. Diyos ko po... pwede na yata ako'ng mag-swimming sa luha ko nun narinig ko yon... "aping-api".. isang negatibong kaisipan ang namayani sa akin. So the little devil inside grew... I was growing up rebellious. I engaged in a relationship in quite a young age.. joined fraternities during high school.. sneak out at night para gumala... nakikipag-inuman sa mga kaibigan.. and most of all... our relationship was like North and South Pole... so distant I almost felt its was hopeless to bring them together. Nanay, is the only person in my life who can trigger my fuse. Everytime we have a heated arguement... I would really freak out! Nalulunod ako sa galit kapag nag-aaway kami... sa sobrang galit na.. nagwawala ako sa kwarto ko.. nag-aamok at sinisira yung mga gamit ko... sinasaktan ko yung sarili ko...even tried committing the biggest mistake.. suicide (pero masakit... kaya di ko tinuloy). Tapos makikita ko siya na.. para'ng "Bahala ka jan, magwala ka!" Lalo na lang ako'ng nasasaktan kapag ganon pa ang nakikita ko sa kanya.
Nagkaka-edad... nagkaka-isip...lalo'ng tumitindi ang hidwaan namin ni Nanay... gusto ko na ngang pabayaan na ganon yung relationship namin. Naiisip ko.. "Ok fine, I will live my own life", bahala na ako sa sarili ko.. I give up". Kung ayaw mo sa akin.. then wag na.. ayawan na.. I will finish school then leave this miserable house.. and will not see you again.
But it did'nt happen... I met someone, he forced me to "Never give up". She is your mom... you've known her all your life. How can I trust you to not give up on me... not to give up on us... if you are easily giving up on Nanay.. she is your family! The words did'nt sink in at first... with my broken heart.. ang hirap tangapin na ako pa yung dapat gumawa ng paraan para magka-bati kami. But he was persuasive and patient.. and eventually, I gave in. Little by little I tried to reach out on her.. engaging in small talks.. giving compliments.. although most of the time she would reject them or pretend she did'nt noticed me.. my support system is very strong!
A few years after.. I eventually found a job, went back to school and my relationship with Nanay.. well, still like a sail boat. Sometimes the ocean is still and calm, sometimes raging with tides and worst... may malalakas na thunderstroms na sabayan pa ng pag-daan sa Bermuda Triangle.. almost lost... but it survived and still went on with the journey.
Then the hand of faith took its turn.. my brother got married!! Walah! parang magic, everything changed! Suddenly, I exist in the eyes of Nanay... bigla pinapansin na niya ako.. inaalagaan na niya ako. Yehey! sobra'ng saya ko! Finally, I felt her love for me.
Our relationship has changed from bitter to sweet... from anger to affection... from hate to love... Nagbago ang lahat dahil nag-asawa na ang Kuya.. nalipat na sa akin ang attention ni Nanay. I am very thankful dahil... the act of giving up did not materialize.. kasi dadating din pala yung time ko.
And as time goes by... my relationship with her has matured.. evolved.. and is in a better place now. I love you Nanay... I wonder... dadaanan ko din kaya ang lahat ng ito kapag lumaki na ang mga anak ko? I don't want to pound my head for the future that I can't forsee... this time.. I am trying to enjoy every minute I can with my little angles.. at kung sakaling dumating ang time na ako naman ang dadaan sa ganoong sitwasyon ... I hope God will have mercy on me.. May His force be with me!
Wednesday, November 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
i dont remember na i called you on your cellphone... di ba sa land line kita tinawagan? lhyss talaga oh.. tsk tsk tsk!
Post a Comment