Tuesday, November 07, 2006

Reality TV... Reality Bites




Bakit nga ba patok na patok ang reality TV mapa foreign based or philippine based? Katulad ko... napupuyat at na-eexcite sa panunod ng mga shows lalo na kapag ang mga cast ay nagkakaroon na ng conflict among themselves. Naalala ko pa noon ang Temptation Island.. isa sa mga naunang reality shows sa pinas.. dito mga dalawang batch na mga couples ang mga contestant... tapos ilalagay sila sa isang island at magsasama sa loob ng isa o dalawang lingo.

May episode don na napanood ko... na nagkagustuhan ang isang lalaki at babae... isang gabi nasa duyan sila... bumubulong sa isa't isa of "how they enjoy each other's company so much".. and "that they even wished that they will not leave the island anymore"... not knowing that every whisper they make, that every touch and every kiss ..."ARE BEING CAUGHT ON TAPE" (WTF!)... and ang pinaka-malupit doon... pinapakita yon sa totoong partner nila in life na nasa kabilang island. So ano ang resulta? E di yung dalawang tao'ng nakakita ay masasaktan.. maghihimutok at gaganti dahil sa kataksilan na kanilang nakita... at kapag hinayaan nila na ang kanilang mga pusong nasaktan ang maghari.. ay lagot na.. ganoon din ang gagawin nila... tapos it will go in circle.. sila naman ang ivi-video at ipapakita din yon ng host sa partner nila...

Ang lufit di ba? Alam na alam ko na binababoy lang sila ng show na iyon... na kumikita ang show at tumataas ang rating at the expense of their contestants... pero sa kabila noon ay patuloy pa rin ako'ng nanunuod, nag-aabang at nagpupuyat para lang makita ang mga susunod na iyakan, pagputok ng fuses, pag-aamok at mga moderately X na eksena...

Bakit nga ba nahuhumaling ang mga tao sa ganoong klaseng palabas? Dahil ngayon.. dumadami na ng dumadami ang ganitong reality shows sa pinas... mapa philippine made or imported from other countries... ngayon di ko na tuloy alam kung alin sa kanila ang uunahin ko'ng panoodin. Pero siguro.. dahil mas nakaka-relate tayo, dahil doon mas genuine ang reaction.. hindi scripted! Ang mga emosyon na pinapakita ay hindi pag-eemote lang... kundi natural talaga... ang mga salitang binibitawan ay hindi hinango sa isang script at mine-memorya kundi opinyon talaga nila. Na kapag ikaw ang nanunuod .. masasasabi mo sa sarili mo.. "ahh, ganyan din ang gagawin ko o hindi dapat ganito ang ginawa niya"... maiisip mo na.. "i think i am a better person dahil hindi ko i-susubject ang sarili ko sa ganon"...

Pero can you really predict or pre-empt what your reaction will be if given the situation. Na you can still think straight kapag nilagay ka sa ganoon kagandang island.. na maganda ang klima at kapaligiran.. na may mga party kayo na pwedeng pagsaluhan, pagkain na masarap at nakaka-lasing na alak. Na mas mananaig ang "better good" than "spur of the moment"...

Naisip ko tuloy nung mag-nobyo pa lang kami ni Jong.. at sumali kami sa ganoon... uuwi kaya kami na magkasintahan pa rin o hindi na. Buti na lang hangang isip lang yon... dahil alam naman ni Jong na "Trust is one thing he will never earn from me".. and "I don't trust myself too".. kaya buti na lang.... dahil ngayon happily married na kaming dalawa and just as the same... at patuloy ko pa rin sinasabi sa kanya "Trust is one thing you will never earn from me"... yet, and just as the same.. mahal na mahal ko pa rin siya... "I love you Mahal ko!.

5 comments:

Jay Lagat said...

ayan kasi... try mo kaya ngayon sumali sa pinoy big bro, lam ko next year meron. hehehe!!!

Anygmalhys said...

hehehe... wag don puro ka-cornyhan lang. Gusto namin sa Amazing Race.. atleast its a combination of mind and body endurance.. may thrill at mas maraming action.. di puro drama. Salamat sa comment...

Anonymous said...

Pero sa mga pinoy reality tv shows na pinalalabas sa ABS-CBN halatang halata na scripted o tinuturuan yung mga contestant simula pa lang doon sa first season ng PBB tignan mo halos lahat sila naging artista pagkatapos, yun nga lang yung mga walang talent at walang face nawala na rin.

napadaan lang galing kay jay :)

Anygmalhys said...

Hi manilenya.. totoo ka diyan Ate! Yung dito sa pinas parang scripted talaga! Napanuod mo ba yung kay Rustom? I bet ginamit niya lang na venue ang PBB para sabihin sa world na "FAGGOT" siya at hindi impromptu yung nangyari sa kanila ni Keana..
Salamat po for dropping by..

Anonymous said...

Hello! This is my first visit to your blog! We
are a group of volunteers and starting a new project in a community in the same
niche. Your blog provided us valuable information to work on. You have
done a wonderful job!

my homepage ... origin key