Thursday, November 02, 2006
Triple'ng Kulit
Nag-declare ang office namin ng half day nung 31st ng October, since sa Laguna pa ako umuuwi nag decide na ako to just stay home and spend more time with my kids. Dibale dalawang araw ako'ng nasa bahay na puno'ng puno ng action, comedy, horror, drama at conspiracy ang bawat maghapon.... daig ko pa ang nanuod ng sine sa dami ng mga eksena at pumunta sa theme park at sumakay sa mga extreme at wild rides sa sakit ng aking panga at lalamunan. May mga eksena na maghahabulan sila sa loob ng bahay na ang isa ay nanggagalaiti sa galit dahil pikon na pikon na at ang dalawa at masayang masaya na nangaasar pa, sa oras ng kainan naman kailangan matatandaan mo kung sino ang huli mo'ng sinubuan dahil kapag lumaktaw ka sa isa at napa-doble sa mas mabilis ngumuya parehong magrereklamo dahil sa parehong dahilan at kailangan ang takal ng juice o coke ay pantay pantay... minsan sisimple pa ng bulong ang Ate Nina (middle child) na "Mom, dagdagan mo sa akin.. wag ka lang maingay kay Kuya", tapos pag narinig ng bunso sasabihin naman niya... "Mommy.. ato din". Hangang sa pagtulog may laro at away pa din.... magtatalunan sa kama, maghahabulan ulit sa kwarto, mauuwi sa away at pag may umiyak na.. yun na ang Go signal ko na magalit na naman at tuluyan na silang patulugin. Si Agatha yung bunso ko.. masyado siyang magigilin.. ang hilera namin sa kama ay Kuya, Ate, Agatha at Mommy (ako ang katabi niya lagi).. sumobra lang ng konti ang Ate niya ng higa at ma-ukopa yung part niya ay padamba ng tatalon sa higaan at kagat labi na dadaganan at sisiksikin ang Ate niya... kaya lagi ko na lang pinaliliwanagan ang Ate niya na baby pa yon at di pa alam masyado ang ginagawa pero minsan napapalo ko na talaga kasi sobra na ang kakulitan. Sa mga edad na 5taon, 4taon at 2taon ng mga anak... halos mapatid na ang litid ko sa leeg sa katatawag para kumain, maligo, magligpit ng higaan at umuwi na... sa kakasaway na sa tuwing may hindi pagka-sunduan ay mag-aaway na mauuwi sa sumbungan at iyakan... pero sa kabila ng lahat.. hindi matatawaran ng dalawang araw na yon ang saya ng idinulot ng mga anak ko sa aking buhay. Sila ang battery ko in life, ngayon nasa opisina na ulit ako.. I feel fully charged and relaxed to do another day at work. Ang sarap... just to stay home ang "Relax".. in all form and way that comes with the word.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment